One Sunday

It was the first Sunday of March when we decided to meet again. 

We met at Payathai Station at Bangkok Sky Train (BTS). It connects the BTS to the Airport Link. There was a small coffee shop at the Station. This was the most comfortable place to meet because we did not have to brave the traffic of Bangkok at 5 in the afternoon.

There were many people leaving and coming. All of them were wearing masks. The security staff holding an alcohol spray stood at the entrance asking everyone to open their palms.

‘Open, open.’

So, I opened my palms and he sprayed alcohol on it. So, am I safe from the virus then?

I read the message – ‘Be there in 10 minutes.’

We sat on the sofa together, in one of the coffee shops that dotted Bangkok City. We were so close. Our arms touched, but we never held hands. Not even once. I held my cup of coffee and you held your teacup. Probably, to not let go of our hands.

Who says that the touch of a hand could change the future?

You were telling me again about your life. You were waiting for me to disagree. But I just listened. I wanted to hear your voice in the real world, in real-time. Not in apps.

“When I went back home to the UK, I did some volunteering to teach ESL (English as Second Language) to refugees,” you said. Your voice trailed off.

You said, they were from Afghanistan, Iraq. They are displaced peoples with bleak future.

“Quite lucky, eh. Us. Here.” I said.

“Yes,” you agreed.

I felt good that you heeded my advice to join volunteer groups. But of course, you never mentioned that. I know you wouldn’t. You were still the proud man-boy I used to know. How could you admit that you, a perfect white man would take an advice from a colored woman like me? But we were in a different place. Far from our own comfort zones. We were both strangers in the sea of people who look like me. Not like you.

We sat there for the longest time. People came and gone in a few minutes. We did not bother. We created a space for the two of us. In between the time that separated, and still separates us.

I was looking at you. You were so close to me. I wanted to embrace and kiss you. I did it in my mind. Your soft blond hair, reminding me of cornflakes. Milk and honey-colored hair! You looked so pale.  I laughed at the thought. You looked at me and smiled; without the teeth exposing.

Your eyes changed its colors again; from blue-green, to gray. Like the ocean that once separated us. I was drowning again.

We just sat there. Side by side. I saw us in an invisible mirror. A picture-perfect in contrast. Dark and white. Pale and dark. Tall and short.

My coffee cup was cold. You changed it with a teacup. We drunk that red tea, punctuated by delicious silence.

Time never stood still.

Outside, it was already dusk. The Bangkok Train Sky (BTS) that connects the airport link was filled with people going home; getting lost; finding someone; saying goodbyes.

We stood up and left the coffee shop. We were the last to leave. You have learned something from me. You left a tip for the young woman who served us. She clasped her hand in a gesture of thanks. Maybe she wondered where we would go next.

We walked towards the BTS. Amid the rushing crowd, we took off our masks, embraced and kissed.

The loudspeaker was in full-blast – Wash your hands! Protect yourself from COVID-19.

 We walked on our separate ways. I did not look back. I know I already lost you.


Eunice Barbara C. Novio is a Thailand-based freelance journalist. She has been an EFL (English as Foreign Language) lecturer at Vongchavalitkul University in Nakhon Ratchasima since 2014. Her poems are published in the Philippines Graphic, Sunday Times Magazine, Dimes Show Review, Blue Mountain Arts, and elsewhere. Her first collection of poetry translated into Thai language, O Matter was published in Thailand in February 2020. Alongside, she writes for Inquirer.net, and her articles have also appeared on the Asia Focus segment of Bangkok Post, Asia Times, America Media, and The Nation. She currently sits as one of the Editorial Advisory Board of Media Asia. She is a two-time Plaridel Award winner of Philippine American Press Club for feature/profile stories.

Tau-tauhan: Ang Kuwento Ng Bayan, Ang Kuwentong Bayan, at Kuwentong Sarili

Kung ang sarili, ang ikaw, ay isang tauhan, paano mo susumahin ang iyong ugali? Ang mga hilig? Ang mga bagay na nagpapasaya sa ‘yo? Ang mga desisyon mo sa buhay? Ano ka noon, ano ka ngayon? Nasaan ka? Saan ka papunta?

Ang pagtingin sa sarili bilang isang tauhan sa kuwento ay pag-intindi kung ano nga ba ang sarili. Tinatanong rin nito kung ano ba ako sa mata ng iba? Sino nga ba ako para sa sarili?

Ang character development ng sarili: Kapag tinatangka nating buuin ang sarili bilang tauhan, dapat nating tingnan ang mga pagbabago sa atin sa mga dumaang taon. Maaari itong ugali, maaring pananamit, pupwede ring marka sa katawan. Kung noon ay mahilig kang magsuot ng mga bestida, ngayon ay pinupuno mo na ng tato ang mga braso mo. Ano ang nagtulak sa ‘yo na baguhin ang sarili? Ano ang mga salik na bumubuo dito? Ano ang mga susunod pang mangyayari sa ‘yo? Ang pagtingin sa sarili noon, ngayon, at sa hinaharap ay ang pagbibigay ng kaunting katiyakan sa sarili kung ano nga ba ang mga pupwedeng gawin. Dahil ang bawat hakbang, kahit pasulong, ay nagbibigay rin ng restriksyon. Ang isang taong naaksidente at naputulan ng kamay ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa kaniyang buhay. Kutsara na lang ang mahahawakan niya sa pagkain, mas mahihirapan siyang maghanap ng trabaho, at malilibre siya sa sinehan. Kung walang character development, walang pag-unlad.

May sinusubukan akong eksperimento sa opisina, tinitingnan ko ang lahat bilang tauhan ng kani-kanilang mga kuwento: ang bawat isa ay may kasaysayan na nakakaapekto kung paano nila harapin ang buhay. Maaaring ito ay malagim na pagkabata, masayang buhay elementarya, o hitik sa tagos pusong kuwento ng mga pagkabigo. Ang lahat ng karanasan natin bilang mga tao ay umaambag sa pagharap natin sa lipunan, sa ating komunidad, at sa iba pang mga tauhan.

Mahalaga rin ang lugar kung saan nangyayari ang kuwento, ano ang kanilang ginagawa sa lugar na ito, sino-sino ang nagtatagpo sa lugar na iyon?

Halimbawa: ang setting ng kuwento ay isang simbahan. Sa simbahan na ito, may mga tauhang pari, madre, mga tumutulong sa simbahan. Ang bawat tauhan ay may ugali, maaaring banal ang pronta ng pari, habang tahimik naman ang madre. Ang mga tumutulong sa simbahan ay mahilig sa tsismis tungkol sa ibang tao na nakatira sa pamayanan. Maaaring pinagkukuwentuhan rin nila ang pari, kesyo tinatago nito na mahilig siya sa bata. O may iniibig ang madre sa kabilang bayan. Ang mga ito ang pinagmumulan ng conflict, ang mga kuwentong bayan na kahit hindi tayo tiyak kung totoo ba ang kuwento ay panghahawakan na natin bilang totoo.

Pero kahit kuwentong bayan lang ang mga ito, kahit na sa kaliit-liitang tsismis, hindi ba’t nagbabago rin ang pagtingin ng mga tao sa taong ikinukuwento? Nakakaapekto ang kuwentong bayan sa kung paano tingnan ang isang tao. May kuwentong bayan, halimbawa, na ang nakatira sa bakanteng lote ay pamilya ng mga aswang. Ang pamilyang ito ay madalas na nakikitang gumagala sa gabi, hindi rin sila nakikipagkuwentuhan. Karaniwan na marami sa mga tao sa pamayanan ang iiwas sa lugar kung saan nakatira ang pamilya, at may ilang mga bata na magtatangkang maglaro sa paligid nito. Kapag nakita ng mga bata ang isang miyembro ng pamilya, magsisi-takbo sila’t sisigaw ng ‘Aswang, aswang, may aswang na lumabas!’.

Ngayon, tingnan naman natin ang ang perspektiba ng pamilya: Hindi talaga sila nakatira doon, napadpad lang sila doon dahil may umangkin ng lupa nila. Ang totoo’y nangutang ng pambinhi ang padre de pamilya, hindi nabayad kaya isinanla ang lupa. Dahil hindi nababayaran ang inutang, nagpatong-patong na ang interes hanggang sa napilitan na lang silang ibigay ang lupa sa kanilang inutangan. Nagdesisyon ang pamilya na makipagsapalaran sa Metro Manila, lahat sila ay hindi marunong magsalita ng Filipino pero marunong silang maka-intindi. Suwerte naman na pinagamit sa kanila ng isang malayong kamag-anak ang bakanteng lote. Dahil hindi sila matatas mag-Filipino, hindi rin sila nakikipagkuwentuhan sa iba. Naririnig na rin nila ang kuwento-kuwento tungkol sa kanilang pamilya. Nakakaranas pa nga pang-aabuso ang kanilang mga anak kapag umaga, kinukutya ang mga ito na mga tiyanak. Kaya nagdesisyon sila na sa gabi na lang sila lalabas.

Ngayon, mula sa halimbawa na ito, ano ang mapapansin natin? Maliban sa pagiging mapanghusga ng pamayanan, hindi rin nila tinatangkang makipag-usap sa pamilya. Ang nangyari ay walang nangyari. Nabuhay ang pamilya sa gitna ng mga kuwento-kuwento, natuto silang sumabay. Pero ang pamayanan, nanatili lang sa mga kuwentong bayan, patalon-talon sa iba’t ibang mga tao.

Ginagamit ko ang pagtingin sa isang tao bilang tauhan para maintindihan ko ang kaniyang mga ginagawa, ang kaniyang mga desisyon, at ang kaniyang mga trip sa buhay. Kung namuhay ka sa isang pamilya na ang bukang-bibig ng mga nakakatanda ay paninira sa iba, hindi ba’t malaki ang tiyansa na magiging ganoon ka rin? Nagsisimula sa pamilya ang pagbubuo ng ugali. Kung ano ang magiging pagtingin mo sa ibang tao, sa pamayanan, sa lipunan. Kung nabuhay ka sa isang relihiyosong pamilya na ang pagbabago ay sa piling ng Panginoon kapag dumating ang paghuhukom, iyon na ang pagbabagong hihintayin mo. Hindi mo na aasaming makagawa ng pagbabago sa mundo dahil ang lahat naman ng ito ay pansamantala lang. Ito rin ang dahilan kung bakit mas nagiging komplikado ang mundo, dumadami ang bahagdan ng mga pupwedeng tingnan na dahilan sa mga bagay-bagay.

Pero bilang manunulat, magandang mahasa ang sarili na kilalanin ang mga taong nakakasalamuha sa araw-araw bilang mga tauhan. Dahil sa likod ng bawat mapanghusgang salita ay mga trahedya sa buhay na hindi natin alam.

Ang pinakamahalaga siguro sa lahat ng ito ay ang paghahangad ng pagbabago sa sarili at sa mga tauhan na nakakasalamuha natin. Maaaring nagiging anti-hero sila dahil sa sistemang umiiral sa loob ng setting. Kung ganoon, hindi ang anti-hero ang kalaban, ang dapat baguhin ay ang sistema. Dahil sa huli, ang sumasaklaw pa rin sa mga tauhan ay ang lohika ng mundo kung saan sila nabubuhay. Kung ito ang way of life, mahirap kumontra sa daloy ng buhay. Ang susunod na hakbang ay makabuo ng iisang bangka kung saan pupwedeng maghanap ng mas payapa at malayang dagat na puwedeng paglayagan.


(Portrait: Alex Llorente)
Lumaki si Victoria Garcia sa Partido, Camarines Sur. Nagtapos ng BA Political Science sa University of Nueva Caceres. Kasalukuyan siyang nakatira sa Naga at nagsusulat para sa Tribuna, isang maliit na dyaryo sa Sorsogon, Sorsogon. Maaaring mabasa ang kaniyang nobela sa website ng Tribuna, pati na rin sa opisyal na Facebook Page nito. Kumonek sa kaniya sa https://www.minds.com/victoriagarcia/.

Tungkol Sa Pagiging Manunulat

Pag-uwi ng bahay, naghuhubad ako ng sapatos bago pumasok sa bahay. Hindi lang sa suwelas ng sapatos nakadikit ang alikabok, nakadikit ito sa kabuuan, mula sa harap, likod, at magkabilang gilid.

Dadamhin ko ang pamimintig ng mga paa, humigit-kumulang walong oras na nakaipit sa makapal na medyas at may kasikipang sapatos, sumasabay ang pintog ng mga daliri sa tibok ng puso. Parang may kamay na nakadakot sa puso, hinihila ito pababa, kaya parang ayaw ko nang tumayo. Pero kailangan, hindi natatapos ang araw sa pag-uwi galing sa trabaho, dahil may trabaho pang kailangang gawin sa bahay: magluto, magturo sa anak, mag-asikaso ng magulang, at kung may oras pa’y makapagsulat at makapagbasa.

Sinisisi ko noon kung bakit ba ako naging manunulat, kung bakit ba ako nagbabasa. Naniniwala akong binabago tayo ng mga librong binabasa natin. Binago ako ng Notes from Underground ni Fyodor Dostoevsky, kung paanong ang iniharap sa aking mundo ng mga magulang ko ay balat sibuyas na tinalupan ng mga pangungusap ni Monk Photius. Binago rin ako ng dalawang nobela ni Rizal, kung paanong tinatalikuran natin ang himagsikan dahil hindi natin matanggal ang tatak ng pagiging Indio. Binago ako ng mga isinulat ni Ursula K. Le Guin, kung paanong puwede palang magsulat tungkol sa ibang mundo, sa loob ng ating mundo.

Pero, siguro, ang pinaka-pinagsisisihan ko sa pagiging isang manunulat ay ang pagpapahalaga sa mga salita. Mas matalas ang pandinig ng isang manunulat kapag nagsasalita ang ibang tao, mas natatahi ng isang manunulat ang gustong iparating ng iba. Kaya kapag lumalabas ang barubal na ugali ng tsismis, ng pagiging buhay na talangka, at ng kuwentuhang may makuwento lang, hinuhukay ng mga salitang ito ang sikmura ng manunulat. Dahil ang bawat salita, para sa kanila, ay martilyong nagpapabagsak kahit sa pinaka-mataas na gusali sa loob ng pinaka-malakas na imperyo.

Malungkot ang maging isang manunulat. Dahil naiintindihan mo ang ibang tao, pero karaniwan na hindi ka nila naiintindihan. Pinipili rin ng manunulat na ilayo ang sarili sa karaniwang pag-uusap tungkol sa mga bagay na pinag-uusapan lang dahil walang masabi, mga pangungusap na walang ambag sa pagpapaunlad ng sarili, ng ibang tao, ng isang organisasyon, o kahit na lipunan.

Kaya minsa’y sinasabihan ang mga manunulat na masusungit, dahil palaging nakasimangot sa harap ng mga walang kuwentang huntahan. Kaya ang pagtahimik ng isang manunulat ay tinitingnan bilang pagmamaldita, o hindi pakikisama. Kaya sa huli, pinaparusahan ng manunulat ang sarili. Siguro, nagiging bawal na ang pag-iisip ng mga epekto ng salita sa ibang tao. O maaari rin na naging sandata na ang salita, pero ang nakagamit nito ay hindi ang mga manunulat. Ang humawak ng kapangyarihan ng salita ay ang mga humahawak ng kapangyarihan,

Dinadama ko ang bawat balita na naririnig ko sa telebisyon at radyo. Ang kunwaring pag-asa mula sa dumarating na mga bakuna at ang pagtuturok nito sa mga frontliner. At ang totoo’y ang mga dumarating na bakuna ay matatanggap ng iilang mayroong koneksyon, pera, at posisyon. Ang mga taong katulad ko, na hindi ikinayaman at ikakayaman ang pagsusulat, ay maghihintay na lang sa tira-tirang mga patak ng bakuna na maiiwan sa mga itinapong botelya. Sanay na sanay naman tayo na maghirap, ang maghintay ng blessing, at kumain ng panis na kanin.

Hinihiling ko nga minsan na sana ay hindi na lang ako naging manunulat, o hindi ko nabasa ang mga librong nabasa ko. Sana naging normal na lang akong nakikipagtsismisan, nakikipag-asaran, at humihirit sa walang kuwentang mga bagay. Baka doon, mahanap ko ang kasiyahan. Sana hindi ko natutunan na pahalagahan ang kahulugan ng salita, o ang magkaroon ng kakayahang pagdikit-dikitin ang mga pangungusap. Kung iyon ang nangyari, siguro ay hindi ako ganoong nagpapaapekto sa mga salita mula sa iba.

Mayroon rin namang kagandahan ang pagiging manunulat, dahil may espasyo para intindihin ang iba kahit na parang hindi ka nila naiintindihan. Mas nagiging maintindihin ang manunulat, at mas pinipiling gumanti gamit ang papel. Sa huli, magsusulat pa rin ako. Dahil ang pagiging manunulat ay ang dumidikit na alikabok sa sapatos. Kahit na anong gawing pagtanggal, ay ang paglapit rin. Kahit anong paglayo sa pagsusulat, ay ang hindi maiwasang paglapit dito.


(Portrait: Alex Llorente)
Lumaki si Victoria Garcia sa Partido, Camarines Sur. Nagtapos ng BA Political Science sa University of Nueva Caceres. Kasalukuyan siyang nakatira sa Naga at nagsusulat para sa Tribuna, isang maliit na dyaryo sa Sorsogon, Sorsogon. Maaaring mabasa ang kaniyang nobela sa website ng Tribuna, pati na rin sa opisyal na Facebook Page nito. Kumonek sa kaniya sa https://www.minds.com/victoriagarcia/.

Magtalik Tayo sa Gitna ng EDSA

Magtalik tayo sa gitna ng EDSA,
Sa may kanto ng Ortigas;
Ang iyong basa
Sisisirin ng aking tigas.

Hayaan mo ang mga gusali
Ng Robinsons at POEA,
Maiskandalo sa ating kiliti
At takpan mga mukha nila.

Pati na rin estatwa
Ni Birheng Maria,
Doon sa tuktok ng dambana
Ay tayo’y itatwa.

Hayaan silang lahat
Na tayo’y isumpa’t ikahiya,
Dahil sa mundong pag-ibig ay salat,
Yun lamang ang meron sila.

Subalit tayong dalawa’y
Mga tunay na walang hiya!
Tanging yaman hanggang mamatay,
Pag-ibig sa isa’t-isa!


Karlo Sevilla is the author of two poetry collections: “Metro Manila Mammal” (Soma Publishing, 2018) and “You” (Origami Poems Project, 2017). Recognized among The Best of Kitaab 2018 and twice nominated for the Best of the Net, his poems were first published in Philippines Free Press in 1998, then in Philippines Graphic in 2015. Hence, he has over 200 poems published in various literary magazines, anthologies, and other platforms worldwide. In 2018, he won the Readers’ Choice award at the annual Human Rights Online Philippines’ 8th HR Pinduteros’ Choice Awards and third place in Tanggol Wika’s DALITEXT poetry contest. 

Trigger Warning

Let’s hear it for what Kingdom
Welcomes hard pruning. The country too, held

Answerable for people withdrawing from the sun,
Within the same year saying in the face

Of drought: some plants, they diminish themselves.
Within the same month the promise of two vaccines

And two jumps: one completed from the fourth
Floor of the mall, another held back by rope and beam.

In the cold too—unable to move—they tuck it all the way in,
Eating themselves another day.

At ating itinatangi
Ang daluyan ng pait.


Nagtuturo ng mga kursong pampanitikan si Dennis Andrew S. Aguinaldo sa Departamento ng Humanidades. Naging fellow siya ng mga palihan para sa malikhaing pagsusulat: sa AILAP, UST, UP, at IYAS. Inilathala online ang kaniyang mga piyesa’t collab sa Daluyan, Gnarled Oak, hal., Kritika Kultura, , Plural, Softblow, at iba pa. (May ilang imbak sa kaniyang blog: tekstongbopis.blogspot.com.) May-akda siya ng mga aklat na Shift of Eyes at Bukod sa maliliit na hayop.

Kulay Lila Ang Mundo Sa Hinaharap

Kulay lila ang mundo sa hinaharap
walang mga puno, mga hayop
sa mabatong kanayunan.
Nakakalason na ang hangin
sa malawak at daantaong minahan

Mahirap maging guro ng biyolohiya
sa panahong bawal magtanim,
ang klase ay pagpapaunawa na
ang mga halaman sa pisara
ay hindi kathang-isip
sa mga estudyanteng sabik na mang ibang planeta.

Bago matulog ang kanyang anak,
humiling ito na sana makakita
ng totoong singkamas, lampas pa
sa dibuho ng kanyang lolo.
Humiling din ito na sana makita
ang kanyang ama, sampung
taon nang hindi tumatanda.

Kinailangan niyang lumabas ng Maynila,
lungsod na lalo lang dumilim at sumikip,
para mapatunayan ang mito
ng mga rebeldeng namumuhay sa lupa.
Pagtapos ng maglakad bitbit ang baril
na hindi naman magamit,
nakilala niya ang kanyang kapatid
dahan-dahang lumilikha ng bagong mundo.

Lahat ng kuwento ng nakaraan
ay tungkol sa kasalukuyan.
Lahat ng kuwento ng hinaharap
ay tungkol sa kasalukuyan.


Eric Abalajon is currently a humanities lecturer at UP Visayas – Iloilo. He has previously worked as an ESL instructor in various private language schools in Iloilo City and Ontario, Canada. His zine of short fiction in Filipino, Mga Migranteng Sandali, is distributed by Kasingkasing Press. His writings, both critical and creative, are found at jacoblaneria.wordpress.com.

Tungkol sa Trabaho

Naniniwala akong walang tao sa mundo ang walang pangarap. Maaaring ito ay makapagpatayo ng bahay para sa magulang, o masustentuhan ang pag-aaral ng kapatid, at puwede rin ang paghahangad na makabili ng gamit na magbibigay saya sa sarili. Kahit na gaano man kalaki o kaliit ang isang pangarap, pangarap pa rin iyon.

Pero hindi lahat ng pangarap ay natutupad. Ito ang batas ng mundo: libre ang mangarap, ngunit binabayaran ang lahat para maabot ito. Kung wala kang pera, baka hindi mo makuha ang pangarap. Kung madiskarte ka, baka may maibuga ka pa.

Habang tinatapos ang mga kailangang dokumento para sa trabaho, sumagi sa isip ko ang mga paninindigan ko sa buhay noon nag-aaral pa ako sa UNC, naalala ko na pinapangarap kong maging manunulat, ang makapaglathala ng mga kuwento na babasahin ng maraming tao. At parang nakapanghihina ng loob na mapansin na ang nagbabasa ng mga sinusulat ko ay ang mga tao sa opisina, mga written report tungkol sa mga nangyari: mga detalye sa kaso ng bata, mga aktibidad sa LGU, budget request para sa kung ano-anong bagay. Ito ba ang pangarap ko noon? Hanggang dito na lang ba ang maaabot ng panulat ko?

Nasa panahon na siguro ako kung saan napapansin ko na ulit ang mga masasamang tingin, ang mga pag-iwas, at ang hindi pag-imbita dahil alam nila kung ano ang posisyon, ginagawa, at kalikasan ng trabaho ko. Sa madaling sabi, killjoy ako para sa kanila dahil iyon ang trabaho ng isa sa middleman na dinadaanan ng lahat ng dokumento bago dumating sa mas nakakataas. Burukrasya, ika-nga. Hindi ko naman sila masisisi, dahil para magawa nila ang kahingian ng trabaho nila, kinakailangan nilang mapunan ang mga kahingian ko. Hindi naman ako strikto, hindi rin ako naningil. Pero palaging may masamang tingin. Hindi ako palakuwento sa opisina, dahil hindi nagtutugma ang interes ko sa interes nila. Siguro nasa akin ang problema, siguro ako ang hindi marunong makibagay. O baka, sa tinagal-tagal ng panahon, mali pala ang trabahong napili ko.

Siguro isa ito sa mga dahilan kung bakit itinutulak ko ang sarili kong magsulat. Dahil sa pagsusulat, kahit wala akong nakaka-usap ng harapan, mayroon pa ring nakapagbabasa at nakadadama ng mga karanasan at opinyon ko sa mga bagay-bagay.

Sinasabi nila na mayroon namang laman ang mga sinusulat ko, mayroon naman akong sinasabi. Kahit ganoon, nakakaramdam pa rin ako na parang wala akong sinasabi at walang makikinig. Isa sa mga bagay na nagtutulak sa akin na patuloy na magsulat at umasa na mayroong nakahandang magbasa ng mga sinusulat ko.

Kung maaari lang maging trabaho ang pagsusulat, kung masusustentuhan ng pagsusulat ang pang-araw-araw, bakit hindi ko iyon kukunin? Ngayon ko lang napagtanto na ang nakapagsasaya a akin ay ang pagbabasa at ang pagsusulat, dahil nandoon ang kalayaan malayo sa kalayaan kapag naglalakad sa labas ng bahay, sa mga eskenita, o ang hiraya kapag nakasakay sa jeep.

Napakaraming proyekto ang bubuuin para ngayong taon kaya siguro ko siguro hinahanap ang oras, o hinihintay na dumating ang pagkakataon kung kailan handa na ang mga salita para mailagay ko sa papel, o matipa sa keyboard, o maimprenta sa isip.

Sa pagsasagawa ko ng mga responsibilidad ko sa trabaho, hindi nawawala ang mga isipin tungkol sa mga gusto kong isulat: ano ang susunod na mangyayari sa Pinapagindapat, ano pa kaya ang puwede kong gawin para sa Kaaway, o ano pa ba ang puwede kong isulat sa Tungkol sa. Hindi sapat ang ilang oras na pahinga pag-uwi para makapag-isip sa pagsusulat. Ipinapalaman ko sa mga minuto ng pagtigil ang mga hinuha sa isusulat.

Kaya habang dinadamdam ko ang mga nangyayari sa opisina, iniisip ko rin kung kailan kaya ako magiging malaya para makapagsulat. Oras ang kalaban ng bawat manunulat sa Pilipinas, dahil kadalasang naihihiwalay ang trabaho sa paglikha. Hindi nagsasama ang dalawang ito maliban kung nagtuturo ka ng malikhaing pagsulat at mga akda na isinusulat mo ang maging paksa sa klase (na  hindi naman nangyayari dahil formula based naman ang mga klase sa malikhaing pagsulat at may hiya pa rin ang mga nagtuturo ng MP na huwag ituro sa klase ang sariling akda pero puwede ang akda ng mga kaibigan.)

Siguro, kailangan ko pa ng oras para pag-isipan ang mga dapat kong gawin. May ilang buwan pa ako para makapagdesiyon. Sa ngayon, papakiramdam ko muna kung ano ang pinakamakapagsasaya sa akin. Maliban kasi sa pagsusulat, ang pagtulong sa mga tao dahil sa mga ginagawa ko ang nakapagpapasaya sa akin, lalo at totoo na bumabagal ang oras kapag tumatanda.

Kung oras ang kalaban ko, siguro kailangan kong pag-isipan ang kahalagahan ng bawat oras at kung ano ang dapat kong gawin para magamit ang bawat segundo sa mga bagay na may pinakamalaking ambag sa prinsipyo, sa panulat, at sa pagtupad sa mga nakapilang pangarap na naghihintay lang na magawa ang unang hakbang.


(Portrait: Alex Llorente)
Lumaki si Victoria Garcia sa Partido, Camarines Sur. Nagtapos ng BA Political Science sa University of Nueva Caceres. Kasalukuyan siyang nakatira sa Naga at nagsusulat para sa Tribuna, isang maliit na dyaryo sa Sorsogon, Sorsogon. Maaaring mabasa ang kaniyang nobela sa website ng Tribuna, pati na rin sa opisyal na Facebook Page nito. Kumonek sa kaniya sa https://www.minds.com/victoriagarcia/.

Pantasmagorya

Rumaragasang tila baha ang mga larawan
Orakulo ng pagkawasak ang ipinakikita:
Dugo’y umaagos sa lungsod at kaparangan,
Rumerepeke ang halakhak ng mga Tigbanua.[1]
Inaawit ng amihan ang oyayi ng libing,
Gumagapang ang kilabot sa gabi ng lagim.
Oh, mahabag Ka’t siphayo’y ilayo nga sa amin!
Rabáw,[2] lamang anila, ang mukha ng anghel
Oo, siyang tunay, sapagkat siya’y si Olivier[3]
Ang Tanda + ng Santa Cruz + iligtas mo nga kami, Amen!
Diyablo nga naman, nagkukunwaring diyos;
Ulupong na gutom, sa kaluluwa’y pumupulupot;
Tagaresong[4] nag-uudyok ng pagkamuhi at poot,
Emperador ng dilim, na sa liwanag ay takot.
Requiem na nga ba ang dapat nang idasal?
Tanging aawiti’y pawang tagulaylay?
Elehiya na nga ba ang dapat nang inuusal?
Santisima Trinidad, iisang Diyos
Anak mo ngayo’y nanganggigipuspos[5]—
Lawitan mo nga ng tulong, o Diyos ni Jacob,
Oh, dinggin mo nga ang aming pagluhog,
Tinig nami’y pakinggan, kami’y naninikluhod.
Lipi naming inapi’y Iyo ngang palayain,
Ang limbas[6] na dumagit, Iyo nga pong tudlain.
Yapusin ng liwanag ang bayang nasa dilim,
Ang sulo ng pag-asa’y Iyong papagdingasin,
Sa ilaya ng paglaya, doon Mo kami dalhin!


[1] Sa mitolohiya ng mga Bagobo, pinakamasahol sa uri ng masamang espiritu (buso) na may isang mata. Tingnan: https://www.aswangproject.com/deities-spirits-manobo-philippine-mythology/. Hindi dapat ipagkamali sa mga Tagbanwa (na binabaybay rin bilang Tagbanua o Tigbanua), mga katutubong nasa Isla ng Palawan. Tingnan: https://en.wikipedia.org/wiki/Tagbanwa
[2] Ibabaw, façade sa Ingles
[3] Isa sa mga demonyong nag-uudyok sa mga taong apihin ang mga maralita’t kapus-palad, Tingnan: https://en.wikipedia.org/wiki/Classification_of_demons#Agrippa’s_classification_of_demons
[4] Tagareso, espiritung nag-uudyok sa tao na gumawa nang masama, tingnan: https://www.aswangproject.com/creatures-mythical-beings-philippine-folklore-mythology/#R
[5] Nanlulumô, labis na nagdaramdam; hindi malubag ang loob.
[6] Ibong mandaragit, o bird of prey sa Ingles.


Dating peryodista at mananaliksik, nagtrabaho bilang email support agent sa isang kumpanya ng BPO (business process outsourcing) si Noel Sales Barcelona. Siya ang kasalukuyang patnugot at publisher ng indie online magazine na Linang: Culture & Arts for Global Filipino. Panaka-nakang nagsusulat, tumutula, at nananaliksik.

Mga Berso Sa Dilim

May lohika ang kahirapan
sa likod ng dahas ng demolisyon,
merong taktika ang mga maralita
gaano man nakakalunos –
sandata ang tae at ihi,
kahit na ang sigaw at mura.

May lengwahe ang droga,
merong kumpas ang mga kamay
at talinghaga ang mga titig.
Mga salitang hindi binibitawan
ang nagpapadulas ng oras
sa maiinit na eskinita.

Hindi naaawa ang mga tauhan
sa kanilang mga sarili,
dangal at angas ang
pampaningas sa mga berso
sa bawal na balagtasan
na may indayog ng ilaw at hiyaw
nakatago sa inangking sulok sa gabi.

Sa gitna ng makinis na kaguluhan
merong isang aklatan,
sa bahay ng isang makata na
hindi nabubuhay sa sandali.
At kung kailan sinubukan niyang lumabas
agad na pinaalala ng siyudad
na hindi mababasa ang mga pahina sa dilim.

Sa siklo ng karahasan at kasaysayan
ang mga tula ay parehong inutil at dakila.


Eric Abalajon is currently a humanities lecturer at UP Visayas – Iloilo. He has previously worked as an ESL instructor in various private language schools in Iloilo City and Ontario, Canada. His zine of short fiction in Filipino, Mga Migranteng Sandali, is distributed by Kasingkasing Press. His writings, both critical and creative, are found at jacoblaneria.wordpress.com.

Outsourced! (A Small Collection of Monostichs From an Entry-Level BPO Company Worker in Our Third World– Er, Developing– Country)

From the Author

The poems were drawn from my experiences as an employee for a BPO company from April 2017 to December 2020 — and they express a strong working class bias. I dedicate this collection to Filipino BPO workers in particular.


Karlo Sevilla is the author of two poetry collections: “Metro Manila Mammal” (Soma Publishing, 2018) and “You” (Origami Poems Project, 2017). Recognized among The Best of Kitaab 2018 and twice nominated for the Best of the Net, his poems were first published in Philippines Free Press in 1998, then in Philippines Graphic in 2015. Hence, he has over 200 poems published in various literary magazines, anthologies, and other platforms worldwide. In 2018, he won the Readers’ Choice award at the annual Human Rights Online Philippines’ 8th HR Pinduteros’ Choice Awards and third place in Tanggol Wika’s DALITEXT poetry contest.