Para sa CASURECO* I, II, III
Agko maabang sawa na pirming nagkakanap
sa mga poste ka kuryente sa siyudad.
Muya kading pagpararinggawan a mga kable
ag kin minsan pigbuburabudan niya a mga adi
asta sa maputol. Namumuya iya ka kirikisi ka kuryente
kaya usad na gab’i pinurbaran niya ading tulunon.
Ngalas su sawa ku kusog na dara kadi.
Muya niya a arog kading kusog
kaya naugali na kading pagparatulunon
a kuryenteng nagdadalagan sa mga kable.
Sa kada pagtulon niya ka kuryente nagdadakulo iya.
Ngowan na gab’i narakop iya ka mga empleyado
ka kooperatiba sa poste Otsenta’y Seis.
Busog-busog iya, udang ngusngos,
ugot a kanyang pagkapurupot sa inaagnow na poste
mantang a bilog na banwa sagum sa ngitngit ag arasahas.
*Camarines Sur Electric Cooperative
Ang Sawa sa Poste Otsenta’y Seis*
Para sa CASURECO* I, II, III
May di madipang sawa na laging gumagapang
sa mga poste ng kuryente sa lungsod.
bisyo nitong paglaruan ang mga kawad
at minsan ay lumalambitin siya rito
hanggang mapatid. Aliw na aliw siya sa kiliti ng kuryente
kaya’t isang gabi’y sinubukan niya itong lulunin
di makapaniwala ang sawa sa taglay nitong lakas.
Ganitong bugso ang kanyang nais kaya madalas niyang
lulunin ang kuryenteng dumadaloy sa mga kawad.
lumalaki siya sa bawat paglulon niya nito.
Ngayong gabi’y nadakip siya ng mga empleyado
ng kooperatiba sa poste Otsenta’y Seis.
Busog na busog ang sawa, hindi makakibo,
higpit ang kanyang kapit sa giniginaw na poste
habang ang sambayanan ay tigmak sa dilim at halumigmig.
*Camarines Sur Electric Cooperative
