A Paraguraan

Diri ika magtamyang1
sa katoninongan ka gab’ing mauran
ta mantang ngamin kita pigrurukay
paiyan sa kin uno man na masisirungan,
nagkukusog sira sa kaluyahan tang adi
na marupit sa uran.

Nagluluwas sira sa tinampo
mantang kita nagtatarago
sa init ka kanatong mga baluy
uda kitang kusog sa pagbagunas ka langit.
Rugaring nira a mga gab’ing arog kadi
ta tapayason kita sa ngitngit.

Talingkas sirang naririkurida
sa barisbisan2 ka kanatong katoninongan
ta palsok a kanatong mga mata.
Ngula a kanatong mga ayam
sa lumok ag imbong ka lulukwan na gumit.
Pugong a kanatong mga talinga
ta pagal na sa oroaldow na bareta sa guraanan,
tarabanan ag kalamidad.

Uda na kitang kusog sa bitnga
kading mga adi alagad mas uda kitang kusog
kin itutugot tang iba a magiwag para kanato.

A isog ka paraguraan
naggigikan sa katamyangan ta
ag sa takot tang sabaton a uran sa gab’ing mangitngit.

1. Barisbisan – outskirts, margin
2. Katamyangan – being lax, unmindful

Ang Berdugo*

Huwag kang pakakasiguro
sa katahimikan
ng gabing maulan
dahil habang lahat tayo’y
binubugaw patungo
sa kung ano mang
masisilungan, lumalakas
sila sa kahinaan nating
ito na mabasa sa ulan.

Lumalabas sila sa daan
habang tayo’y nagtatago
sa init ng ating mga bahay
wala tayong lakas sa pagbuhos
ng langit. Pag-aari nila
ang mga gabing tulad nito
dahil duwag tayo sa dilim.

Malaya silang gumagala
sa barisbisan ng ating katahimikan
dahil pikit ang ating mga mata.
Tahimik ang ating mga aso
sa lambot at ligamgam ng higaang basahan.
May pasak ang ating mga tenga
dahil hapong-hapo na
sa araw-araw na balita ng patayan,
nakawan at kalamidad.

Wala na tayong lakas sa gitna
ng mga ito ngunit mas wala tayong lakas
kung ipapahintulot nating iba ang kumilos
para sa’tin.

Ang tapang ng mamamatay
ay nagmumula sa katamyangan
at takot nating salubungin ang gabing madilim.

*Salin sa Filipino

Si Elbert O. Baeta ay ipinanganak sa lungsod ng Iriga sa probinsya ng Camarines Sur. Nagtuturo siya ng Art Appreciation at Panitikan sa Central Bicol State University of Agriculture. Nakatanggap siya ng fellowship mula sa Juliana Arejola Fajardo Writers Workshop in Bikol Writing (2012). Sa kasalukuyan tinatapus niya ang kanyang Master’s thesis hinggil sa Panitikang Rinconada sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang unang aklat ‘Gapo: Mga Rawitdawit asin piling dakitaramon sa Filipino’ ay inilathala noong 2018. Lumabas narin ang kanyang mga akda sa Ani 39 (CCP), Girok: Anthology of Bikol Erotica, Pagkamoot: Mga Binirikol na Usipon haling Europa (Ateneo de Naga Univ. Press), Liwayway, at BKL/Bikol Bakla: Anthology of Bikolnon Gay Trans Queer Writing.

Sawa sa Poste Otsenta’y Seis

Para sa CASURECO* I, II, III

Agko maabang sawa na pirming nagkakanap
sa mga poste ka kuryente sa siyudad.
Muya kading pagpararinggawan a mga kable
ag kin minsan pigbuburabudan niya a mga adi
asta sa maputol. Namumuya iya ka kirikisi ka kuryente
kaya usad na gab’i pinurbaran niya ading tulunon.
Ngalas su sawa ku kusog na dara kadi.
Muya niya a arog kading kusog
kaya naugali na kading pagparatulunon
a kuryenteng nagdadalagan sa mga kable.
Sa kada pagtulon niya ka kuryente nagdadakulo iya.

Ngowan na gab’i narakop iya ka mga empleyado
ka kooperatiba sa poste Otsenta’y Seis.
Busog-busog iya, udang ngusngos,
ugot a kanyang pagkapurupot sa inaagnow na poste
mantang a bilog na banwa sagum sa ngitngit ag arasahas.

*Camarines Sur Electric Cooperative

Ang Sawa sa Poste Otsenta’y Seis*

Para sa CASURECO* I, II, III

May di madipang sawa na laging gumagapang
sa mga poste ng kuryente sa lungsod.
bisyo nitong paglaruan ang mga kawad
at minsan ay lumalambitin siya rito
hanggang mapatid. Aliw na aliw siya sa kiliti ng kuryente
kaya’t isang gabi’y sinubukan niya itong lulunin
di makapaniwala ang sawa sa taglay nitong lakas.
Ganitong bugso ang kanyang nais kaya madalas niyang
lulunin ang kuryenteng dumadaloy sa mga kawad.
lumalaki siya sa bawat paglulon niya nito.

Ngayong gabi’y nadakip siya ng mga empleyado
ng kooperatiba sa poste Otsenta’y Seis.
Busog na busog ang sawa, hindi makakibo,
higpit ang kanyang kapit sa giniginaw na poste
habang ang sambayanan ay tigmak sa dilim at halumigmig.

*Camarines Sur Electric Cooperative

Si Elbert O. Baeta ay ipinanganak sa lungsod ng Iriga sa probinsya ng Camarines Sur. Nagtuturo siya ng Art Appreciation at Panitikan sa Central Bicol State University of Agriculture. Nakatanggap siya ng fellowship mula sa Juliana Arejola Fajardo Writers Workshop in Bikol Writing (2012). Sa kasalukuyan tinatapus niya ang kanyang Master’s thesis hinggil sa Panitikang Rinconada sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang unang aklat ‘Gapo: Mga Rawitdawit asin piling dakitaramon sa Filipino’ ay inilathala noong 2018. Lumabas narin ang kanyang mga akda sa Ani 39 (CCP), Girok: Anthology of Bikol Erotica, Pagkamoot: Mga Binirikol na Usipon haling Europa (Ateneo de Naga Univ. Press), Liwayway, at BKL/Bikol Bakla: Anthology of Bikolnon Gay Trans Queer Writing.

Spoliarium

Kin mabayad sana ni Luna a mga guraanan
sa parteng adi ka kinaban, baad mas dakulo pa
sa na una niyang obra a kanyang mauuman.
Baad mas mangitngit adi ag mas sagum sa rugo
na bagana tubig na sanang pinapabulos
sa mga sementadong raran ka syudad.
Mas mapula gayod a kanyang obra.
Mas makangirhat gayod a uda irak na pagguyod
ka mga lumbod na awak ka mga pigbabalubagian.
Mas magubat gayod a lambang pagguyod ka mga awtoridad

ta kaiba kading ginuguyod a ngamin na pangaturugan
na diri na mapapangyari.

Pauno niya pagkakaniguon sa upat na kanto ka kanbas
a kamunduan ka mga nabayaan na pamilya?
A mga unga na uda kasimbagan?
A pagmundo ka bilog na nasyon?
Mas malalata gayod a mga awak ka mga ginuraan
ta uda pundo a pasurusangli ka istorya
kin nagtumang o diri.

Pauno ta aatubangon a magigin obra ni Luna
kin nabuhay iya sa panawon na adi sa nagbuburubalyong boot?
matiurungan ta daw a rumarom na kolor kadi
ag a mga paghigdan na diri nappupotol?
Ngamin kita kaiba sa magigin obra ni Luna
kaibanan ka ngirhat ag lundok na diri maipipinta.

Spoliarium*

Kung makikita lang sana ni Luna ang mga pagpaslang
sa bahaging ito ng mundo, marahil ay mas malaki pa
sa nauna niyang obra ang kanyang malilikha.
Marahil ay mas madilim ito at mas tigmak sa dugo
na parang tubig na lamang na pinadadaloy
sa mga sementadong daan ng siyudad.
Mas mapula siguro ang kanyang obra.
Mas nakakahilakbot siguro ang walang awang pagkaladkad
sa mga murang katawan ng mga pinagbintangan.
Mas mabigat siguro ang bawat paghila ng mga awtoridad
dahil kasama nitong hinihila ang lahat ng mga pangarap
na hindi na matutupad.

Paano niya pagkakasyahin sa apat na sulok
ng kanbas ang kalungkutan ng mga naiwang pamilya?
ang mga katanungang walang kasagutan?
Ang pagluluksa ng buong sambayanan?
Mas lila siguro ang mga pasa ng katawang pinaslang
dahil sa walang humpay na pagpapalit-palit ng kwento
kung nanlaban o hindi.

Paano natin haharapin ang magiging obra ni Luna
kung nabuhay siya sa panahong ito ng nagbabago-bagong loob?
Matitigan kaya natin ang malamlam na kulay nito
at ang mga di natutuldukang pagaagaw-buhay?
lahat tayo’y nasa magiging obra ni Luna
kasama ng hilakbot at kalungkutang kainlanma’y
hindi maipipinta.

*Salin ng may-akda mula sa orihinal na Bikol-Rinconada