January 2021 Issue

From the Author

“Ibinabahagi ko ang una sa labindalawang photozine na binabalak mabuo ngayong taon. Ito ay personal na proyekto. Ito ang mga imaheng produkto ng walang sawa naming pagniniig ng aking kamera. Sana’y mahanap mo ang totoong kulay ng mga larawang ito. Maraming salamat.”

Si Reynand ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang Market Inspector sa bayan ng Mapandan. Isa sa mga manunulat ng Rebo Press. Aktibong miyembro ng KADLiT: Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Mahilig siya sa leeg ng manok. Umiiwas sa softdrinks pero mahal na mahal niya ang Pilsen. Makikita mo siya sa mga guwang ng siyudad, nag-aabang na maikahon sa larawan ang inilalatag na sining ng mundo.

Sa Loob ng Simbahan

Narito ang palad ng mga dasal,
Ang tuhod ng paghingi ng tawad,
ang krus ng matandang rosaryo,
Maging ang mantsa ng abito.

Dumudungaw mula sa camarin
ng birhen ang liwanag ng pag-ibig.
Kung ito nga ba’y pag-ibig.

Palaging may bahaghari
sa mga bintana ng katedral.
Paulit-ulit na binibinyagan
sa pasilyo ng konsensiya
ang mga multo ng kasalanan.

Nagtatanghal sa harapan
ang salita ng diyos.

Walang nakikinig
Walang nanonood
kundi ang mga sugat
ng kaniyang taga-sunod.

Si Reynand ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang Market Inspector sa bayan ng Mapandan. Isa sa mga manunulat ng Rebo Press. Aktibong miyembro ng KADLiT: Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Mahilig siya sa leeg ng manok. Umiiwas sa softdrinks pero mahal na mahal niya ang Pilsen. Makikita mo siya sa mga guwang ng siyudad, nag-aabang na maikahon sa larawan ang inilalatag na sining ng mundo.

Ang huni ng ibon

Nakaupo ako sa linyang
maaaring huling pangungusap
ng isang nobela o dagling
nagsasalaysay ng habilin
ng mga naulila ng panahon.
Sa malayo, may namumuong
badya ng digma sa mga ulap
na nagluluwal ng mga
makabagong lason.
Hindi ko na kilala ang papawirin.
May bigat sa mga patak ng ulan,
May bagal sa pag-inog ng mundo.
Kung kalayaan ko ang kable
ng kuryenteng ito? Ano ang
para sa de-makinang ibong
nag-iiwan ng guhit sa alangaang?

Si Reynand ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang Market Inspector sa bayan ng Mapandan. Isa sa mga manunulat ng Rebo Press. Aktibong miyembro ng KADLiT: Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Mahilig siya sa leeg ng manok. Umiiwas sa softdrinks pero mahal na mahal niya ang Pilsen. Makikita mo siya sa mga guwang ng siyudad, nag-aabang na maikahon sa larawan ang inilalatag na sining ng mundo.

Ang nililibing na bituin

Nakalimutan ng grabedad
ang iyong taglay na kagandahan.
Babagsak ka sa kapatagan
habang pasan ang liwanag
ng ilang daang taon.
Ang silaw na kumitil
sa mga higanteng buwitre.
Ang apoy na nag-iwan ng
malawak na butas sa ilahas.
At sa lugar ng pagsabog,
Natagpuan kitang anghel sa lupa.
Pinulot ko ang mga pilas
ng iyong nawasak na pakpak.
Pinagtagpi-tagpi
ang bawat piraso
na parang pahina
at ginawa kong libro.
“Isa ka nang ganap na tao,”
ang sabi sa unang tala.