Ti Basolmo

limmabanak
ket pinapataynak

pinabasolnak
a nangasut
iti rikna
idi matiliwannak
a mangmangan
iti ayat

ginudasnak
iti rabii
a nasarakak
ti bituen a natnag

igamko
ti nagammatak
a lawag

pinabulsaam
iti ulimek
ti bangkayko
pinapetpetam
iti lagip

ebidensia
ti basolmo


Ang Iyong Kasalanan*

nanlaban ako
at pinatay mo ako

inakusahan mo
akong bumunot
ng damdamin
nang mahuli mo
akong kumakain
ng pag-ibig

pinatay mo ako
sa gabing
natagpuan ko
ang nahulog na bituin

sandata ko
ang nasunggaban
kong liwanag

pinabulsahan mo
ng katahimikan
ang bangkay ko
pinahawakan mo
siya ng alaala

ebidensiya
ng iyong kasalanan

*salin sa Filipino


Roy Vadil Aragon is a fictionist and a poet who writes mostly in Ilokano language. Many of his poems, short stories, and essays are published in Bannawag, an Ilokano magazine. He has won some writing prizes, awards, and fellowships for his fiction and poetry. He published his first printed book, BAGI dandaniw, a collection of selected Ilokano poetry, in 2015. In 2017, he published PAKSUY dandaniw & poems, a chapbook of poems in Ilokano and English. His selected Ilokano short stories, BANNUAR ken Dadduma Pay a Fiksion, was published in 2018. In 2000, he released a digital book of Ilokano poetry, Napili ken Saan a Napili a Dandaniw ken Dadduma Pay a Riknakem, considered as the first Ilokano poetry ebook. In 2019, he published two more Ilokano poetry collections, RABII 100 a #tweetniw, and BARIBARI. Besides writing, he edits and designs books, works as a freelance translator and editor, maintains a food blog, administers Facebook pages on Ilokano food and urban/container gardening, and pets a rooster, a hen, and three cats.

Oda ti Bugguong iti Bugguong

dinak ipadpada iti bagas
nga ang-angkaten dagiti di makasapul iti bagas
ta saanak nga agkurkurang iti iburayko
nga apgad ken uray pay sayungtot
nga im-imasen nga ilabay iti innapuy
dagiti mannalon a mapapaidaman iti bukodda
a bagas

dinak met nga ipadpada iti agas
nangruna iti maiparit nga agas
a pakigubgubatan ti gobierno
tapno adda agas ti bannog ken tapno
adda agas ti kari nga iti innem a bulan
no di man tallo ket mariputen
amin a masakit, amin nga adik, amin
a bagtit, amin nga agpupungtot, amin
a mabisbisin, amin nga agdadawat
iti agas

dinak man ipadpada iti uki
a paborito a pagang-angawan
ken ay-ayaten ti presidente
ta diak man la kayat a papaltogandak
no siak ‘tay agrebelde
uray pay no kaang-angotko ket pagrukbabandak
latta dagiti agpipilit ken uttog ken macho kano
a buto a di met mangibilbilang iti uki
a kas dayaw ken karbengan ken kinatao

pangngaasim kadi ta dinak ipadpada iti bala
a kunam la no inosente ta irasonna
a dina met pagay-ayatan a puoranda ti ubetna
isu a bumtak ket sumiwet a manglussok
iti muging ken pispis ken puso ken rusok
ken pakaasi ti matokhang nga adik
ken mamasaker a mannalon ken umili
uray no maysaak la a rurog wenno siit
wenno lasag a nalaes ket pasistaak met
ngem no la iti raman ken imas ti dinengdeng
wenno pinakbet ket saanak ketdi
a berdugo ti rawet

ay, nangruna a dinak ipadpada iti tao
kaykayatkon a maysaak a digo ti nabangsit
nga ikan nga inartem ti asin ken igges
ngem kaykayatanda met
ti apgad ken bukodko a banglo
apay koma nga ipadpadnak iti tao
a no masaepna ti bukodna
a buyok ket agbuggo iti alkohol
ken agdigos iti gatas santo
agbangbanglo?


Oda ng Bagoong sa Bagoong*

huwag mo akong iwinawangis sa bigas
na inaangkat ng mga di nangangailangan ng bigas
dahil hindi ako nagkukulang sa ipinagkakaloob
kong alat at pati na baho
na buong kasarapang inihahalo sa kanin
ng mga magsasakang pinagkakaitan ng sarili
nilang bigas

huwag mo rin akong itinutulad sa gamot
lalo na sa bawal na gamot
na siyang ipinapakipagdigma ng gobyerno
upang may gamot sa pagod at upang
may gamot sa pangako na sa loob ng anim na buwan
kung di man tatlo ay mawawala na
ang lahat ng may sakit, lahat ng adik, lahat
ng hunghang, lahat ng nagagalit, lahat
ng nagugutom, lahat ng nanghihingi
ng gamot

huwag mo nga akong iwinawangki sa puki
na paboritong pinagkakatuwaan
at minamahal ng presidente
dahil hindi ko ibig na ipapabaril ako
kung ako’y magrerebelde
kahit na parehas kami ng amoy at sinasamba ako
ng mga manggagahasa at malibog at macho raw
na titi na di rumerespeto sa puki
bilang dangal at karapatan at pagkatao

parang awa mo na’t huwag akong ihahambing sa bala
na tila isang inosente na idadahilang
di niya kagustuhang sindihan nila ang puwit niya
kaya siya sasasabog at hahaginit na bubutas
sa noo at sentido at puso at sikmura
at pagmamakaawa ng itotokhang na adik
at ng imamasaker na mga magsasaka at mamamayan
kahit na isa lamang akong kalansay o tinik
o nabubulok nang laman ay pasista naman ako
ngunit kung sa lasa o sarap lang naman ng dinengdeng
o ng pinakbet at hindi naman ako
isang berdugo ng katakawan

ay, mas lalong huwag akong ipinapara sa tao
mas nanaisin ko nang isa akong mabahong sabaw
ng isdang binuro sa asin at uod
subalit gustong gusto naman nila
ang alat ko’t sariling bango
bakit ba itutulad mo ako sa tao
na kung malanghap niya ang sariling
sansang ng amoy ay maghuhugas siya ng alkohol
at maliligo sa gatas at saka siya
mangpapabango?

*salin sa Filipino


Roy Vadil Aragon is a fictionist and a poet who writes mostly in Ilokano language. Many of his poems, short stories, and essays are published in Bannawag, an Ilokano magazine. He has won some writing prizes, awards, and fellowships for his fiction and poetry. He published his first printed book, BAGI dandaniw, a collection of selected Ilokano poetry, in 2015. In 2017, he published PAKSUY dandaniw & poems, a chapbook of poems in Ilokano and English. His selected Ilokano short stories, BANNUAR ken Dadduma Pay a Fiksion, was published in 2018. In 2000, he released a digital book of Ilokano poetry, Napili ken Saan a Napili a Dandaniw ken Dadduma Pay a Riknakem, considered as the first Ilokano poetry ebook. In 2019, he published two more Ilokano poetry collections, RABII 100 a #tweetniw, and BARIBARI. Besides writing, he edits and designs books, works as a freelance translator and editor, maintains a food blog, administers Facebook pages on Ilokano food and urban/container gardening, and pets a rooster, a hen, and three cats.

Abyan

Isa ka sa madamo
nga ginabuhi sang kaugalingon
nga kusog, balhas,
dugo, luha, kag kakapoy.

Ginabatyag mo ang kagutom—
sang pagpalangga,
sang pag-ulikid, sang pagtatap,
sang maayong buas-damlag.

Wala sing bino
nga magadula sang imo kauhaw
sa pagbatyag, sang pag-atipan
sa ti-on sang ital-ital.

Huo, Abyan,
indi ka baganihan.

Apang, Abyan
ang imo magaras nga palad
ang salandigan sang kabuhi
balhas mo ang magapatubo

sa binhi sang kahilwayan
ang imo dugo ang mangin bino
nga igapanagtag sa gina-uhaw
luha mo ang bulong sa kahuyang

kag ang imo kakapoy
ang magabuhi sa aton buas-damlag.

Indi matuod ang hambal nila
nga ikaw isa ka baganihan.

Sa matu-od, ikaw ang isa
sa mga tumalagsahon nga tawo—
nagabatyag sang kahadlok,
kasubo, kamingaw kag gutom.

Ang imo gahum tumalagsahon.
Ang pagbulig labaw sa kaugalingon,
sa pag-atipan sa nagamasakit,
sa pagpakaon sa mga ginagutom,

sa paghatag sang katawhayan
sa kadam-an.
Sa pihak sang katalagman,
sa pihak sang kakapoy.

Huo, Abyan,
Indi ka baganihan

nga mahimo lang dayawon
kag pasalamatan.

Isa ka sa kadam’an
nga nagakinanghalan
sang pagtatap,
sang bulig gikan sa mga gamhanan.

Bangud indi ka baganihan,
isa ka ka trabahador,
may kabuhi.
Nagakinahanglan.

Nga napreso sa hulot
sang katungdanan
pangabuhian
kapigadohon.


Kaibigan*

Isa ka sa marami,
na binubuhay ng sarili
na lakas, pawis,
dugo, luha, at pagod.

Dinadamdam mo ang gutom—
ng pagmamahal
ng pag-alala, ng pag-aaruga,
ng magandang hinaharap.

Walang bino
ang makakapawi ng ‘yong uhaw
sa pagdaramdam, sa pag-aruga
sa oras ng kagipitan.

Oo, Kaibigan,
hindi ka bayani.

Ngunit, Kaibigan
ang magaspang mong palad
ang sandigan ng buhay
pawis mo ang magpapasibol

sa binhi ng kalayaan
ang ‘yong dugo ang magiging alak
na ibabahagi sa mga inuuhaw
luha mo ang gamot sa kahinaan

at ang pagod mo
ang bubuhay sa ating kinabukasan.

Hindi totoo ang sabi nila
na ika’y isang bayani.

Sa katotohanan, isa ka
sa mga taong di-pangkaraniwan—
nakakaramdam ng takot,
kalungkutan, pag-iisa at gutom.

Ang gahum mo’y kakaiba.
Ang pagtulong higit sa sarili,
sa pag-aruga sa may-sakit,
sa pagpapakain sa mga nagugutom,

sa pagbigay kaginhawahan
sa karamihan.
Sa kabila ng peligro
sa kabila ng pagod.

Oo, Kaibigan,
hindi ka bayani

na maari lang hangaan
at pasalamatan.

Isa ka sa marami
na nangangailangan
ng pag-aaruga,
ng tulong mula sa maykapangyarihan.

Sapagkat indi ka bayani,
isa kang mangagawa
may buhay.
Nangangailangan.

Na nakakulong sa silid
ng responsibilidad
kabuhayan
kahirapan.

*Salin sa Filipino


Orland Agustin Solis is currently pursuing a BA in Literature at the University of the Philippines Visayas. His writing has appeared in “Nonrequired Reading in the Time of COVID-19 (Volumes 2 and 3)” from Kasingkasing Press and in “Talinghaga ng Lupa: Mga Tula” by Gantala Press.

Salingsing

Gingapas ka sa tunga sang kagab-ihon
Nagtulo ang imo tagok
sa dutang madinumdumon nagpagkit
sang dagta nga indi mapanas.

Ginbanggi ka agud dumilian
ang imo pagbunga nga magabusog
sa mga ginagutom, sa mga ginakulang,
sa mga wala sing ikasarang.

Gindula ang imo laragway
nga nagapatima-an sang paglaum
sa nagakalaya nga mga handum
sang tagsa ka mangunguma

nga nagahulat sa ila buas-damlag
nga napagkit sa imo mga palad.
Ikaw ang kasanag
sa pihak sang kadudulman.

Apang ang pagbanggi sa imo
indi upang, kon indi isa ka patimaan
nga nagahilapit na ang kahilwayan
ang pagbato sang ginadaog-daog.

Sa tagsa ka pagbanggi nila sang salingsing
may magatubo liwat nga imo kaangay
nga makigbato para sa mga kubos;
sa mga gina-asiasi.

Nabanggi ka, Kaupod
apang magakabuhi ang imo kawsa
ang imo handum, ang imo paglaum
nga kami maga-usoy sa banas

nga imo ginhimo
nga imo gin-agyan
padulong sa ginahandum
nga pagbag-o kag tunay nga kahilwayan.


Supling*

Tinagpas ka sa lalim ng gabi
tumulo ang iyong dagta
sa lupang di-nakakalimot umukit
ng mantsang hindi mabubura.

Pinutol ka upang pagbawalan
ang ‘yong pagbunga na siyang bubusog
sa mga nagugutom, sa mga kinakapos,
sa mga walang kaya.

Binura ang iyong hubog
na sumasagisag ng pag-asa
sa mga nalalantang pangarap
ng bawat magsasaka

na naghihintay sa kanilang kinabukasan
na nakaukit sa iyong mga palad.
Ikaw ang liwanag
sa kabila ng kadiliman

Ngunit ang ‘yong pagkaputol
ay ‘di hadlang, kung ‘di isang tanda
na nalalapit na ang kalayaan,
ang pag-alsa ng mga inaapi.

sa bawat pagputol nila sa mga salingsing
ay may tutubong katulad mo
na lalaban para sa mga maralita
sa mga inaapi.

Naputol ka, Kasama
ngunit patuloy na mabubuhay ang iyong kawsa
ang iyong pangarap, ang iyong pag-asa
na kami’y susunod sa ‘yong landas

na iyong ginawa
na iyong tinahak
patungo sa’yong minimithi
na pagbabago at lubos na kapayapaan.

*Salin sa Filipino


Orland Agustin Solis is currently pursuing a BA in Literature at the University of the Philippines Visayas. His writing has appeared in “Nonrequired Reading in the Time of COVID-19 (Volumes 2 and 3)” from Kasingkasing Press and in “Talinghaga ng Lupa: Mga Tula” by Gantala Press.

Duta, Bala

Nagauluanggid ang duag,
ang kadakuon,
indi palareho;
may magagmay,
may dalagko.
May sobra,
may ginakulang.

Apang,

kaangay sang prinsipyo,
Haksa kag angkona,
Kabuhi ang kabaylo.


Lupa, Bala*

Magkahawig ang kulay,
ang sukat,
hindi magkatulad;
may maliit
may malaki.
May labis-labis,
may kinakapos.

Ngunit,

kapara ng panindigan
yapusin at angkinin
buhay ang kapalit.

*Salin sa Filipino


Orland Agustin Solis is currently pursuing a BA in Literature at the University of the Philippines Visayas. His writing has appeared in “Nonrequired Reading in the Time of COVID-19 (Volumes 2 and 3)” from Kasingkasing Press and in “Talinghaga ng Lupa: Mga Tula” by Gantala Press.

Ti Nasken a Ruarak

diak mautob
diak metten maibus
ti kankanek
a saludsod

inkagumaanak laeng met
ti ayat

impettengko ti lidayko
pinabus-oyak laeng
ti karbengak
a saanak a balud

ania a ragsak
ti diak pay natukod?

ania a basol
ti diak pay nabulod?

ania pay a ruangan
ti nasken a ruarak?


Ang Dapat kong Lalabasan*

hindi ko mawari
hindi ko na maubos
ang kinakain
kong katanungan

sinubukan ko lang naman
ang pag-ibig

ipinagpilitan ko ang aking lungkot
pinagbigyan ko lamang
ang karapatan kong
di ako isang bilanggo

anong kaligayahan
ang hindi ko pa nasusukat?

anong kasalanan
ang hindi ko pa nahihiram?

ano pang pintuan
ang dapat kong lalabasan?

*salin sa Filipino


Roy Vadil Aragon is a fictionist and a poet who writes mostly in Ilokano language. Many of his poems, short stories, and essays are published in Bannawag, an Ilokano magazine. He has won some writing prizes, awards, and fellowships for his fiction and poetry. He published his first printed book, BAGI dandaniw, a collection of selected Ilokano poetry, in 2015. In 2017, he published PAKSUY dandaniw & poems, a chapbook of poems in Ilokano and English. His selected Ilokano short stories, BANNUAR ken Dadduma Pay a Fiksion, was published in 2018. In 2000, he released a digital book of Ilokano poetry, Napili ken Saan a Napili a Dandaniw ken Dadduma Pay a Riknakem, considered as the first Ilokano poetry ebook. In 2019, he published two more Ilokano poetry collections, RABII 100 a #tweetniw, and BARIBARI. Besides writing, he edits and designs books, works as a freelance translator and editor, maintains a food blog, administers Facebook pages on Ilokano food and urban/container gardening, and pets a rooster, a hen, and three cats.

Sa Punta sang Amakan nga Kanyon

On November 5, 1898, peasants and laborers led by Gen. Aniceto Lacson, Timoteo Unson, Simon Lizares, and Gen. Juan Araneta marched into Bacolod carrying nipa palms that appeared like rifles with attached siantong (long-bladed bolo) that looked like a bayonet; and cannons made of rolled mats of Amakan or woven bamboo splints or flattened bamboo nodes that appeared to be cannons mounted on wheels which led to the surrender of Spanish colonialist forces on November 6, 1898.

Varona 1938, 85-87; Cuesta 1980, 443-46. In Cruz-Lucero, Rosario, Doreen.G. Fernandez, John E. Barrios, and Jeffrey Yap. 2018. “Ilonggo.” With contributions by E. Arsenio Manuel, Ramon Obusan, Fernando N. Zialcita, Arbeen Acuña, and Rene Trance. In Our Islands, Our People: The Histories and Cultures of the Filipino Nation, edited by Rosario Cruz-Lucero.

Indi bala ang nagtublok
kon indi ang kaisog nga nagpagkit
sa naga-aso nga kahawaan
sa tiilan sang Kanlaon.

Indi siantong ukon baslay
ang nagisi kag nagpihak
sing mapintas nga tagipusuon
sang mga mapiguson.

Indi dugo ang nag-ilig
sa kalog, sa suba, sa talamnanan
sa tuburan sang paglaum
sa gikab sang kahilwayan nga ginahandum.

Naglanog ang tingog
sang amakan nga kanyon.
Nag-aso, bumuga sang kalayo
sa mga mananakop, sa mga dumuluong.

Indi dugo ang ginbunyag,
indi lawas ang nangin abono
sa liso sang paglaum
sa gútok sang kahilwayan.

Kon indi

ang singgit sang katawhan,
ang kaisog sa paghiliusa,
ang kabaskog sa pihak sang katalaw,
ang kaláyo sa putli nga kasingkasing.

Kaangay sa kadalag-an
sang mga Negrense,
sang mga mangunguma.


Sa Dulo ng Amakang Kanyon*

Hindi bala ang tumusok
kung ‘di ang tapang ang umukit
sa umuusok na kalawakan
sa paanan ng Kanlaon.

Hindi siantong o pana
ang pumunit at bumiyak
sa malupit na puso
ng mga walang awa.

Hindi dugo ang umagos
sa bambang, sa ilog, sa mga palayan
sa bukal ng pag-asa
sa yungib ng kalayaang inaasam.

Umalingawngaw ang boses
ng amakang kanyon.
Umusok, lumuwa ng apoy
sa mga mananakop, sa mga dayuhan.

Hindi dugo ang idinilig,
hindi katawan ang naging pataba
sa butil ng pag-asa
sa supling ng kalayaan.

Kung ‘di

ang sigaw ng masa
ang kagitingan sa pagkakaisa
ang lakas sa kabila ng karuwagan
ang apoy sa pusong dalisay.

Kagaya ng pagwawagi
ng mga Negrense,
ng mga magsasaka.

Ngayon

hindi kailangan ang talim ng siantong,
kumikinang na kanyon, o
dugong magmumula sa ugat
ng maralita, ng mga inalipin.

Malulupig ang hilaw na makapangyarihan
ang mga alipin ng kasakiman
sa lakas ng mga manggagawa
ng mga inaalipin

sa nagliliyab na galit
sa dulo ng amakang kanyon.

*Salin sa Filipino


Orland Agustin Solis is currently pursuing a BA in Literature at the University of the Philippines Visayas. His writing has appeared in “Nonrequired Reading in the Time of COVID-19 (Volumes 2 and 3)” from Kasingkasing Press and in “Talinghaga ng Lupa: Mga Tula” by Gantala Press.

Pagpanglakaton

Mabugnaw nga hangin ang nagdapya
sa mayami nga kaagahon nagsulay
sa tun-og halin sa kalangitan.
Nabasa ang butkon nga puno sang pulbura
tuga sang kagapon nga pagsumalangay.

Liwat nga ginpukaw sang dalamguhanon,
nagbugtaw ang kasingkasing nga may kainit.
Gikan sa mataas nga pil-as nanaog
bisan pa madanlog matuod ang dalan,

batuhon, madamo sang tunok;
kag sa madanlog nga suba magatabok
bisan pa madamo sang mga buaya
nga nagapakuno-kuno sa tubig
kag nagahulat sang mahimo matukob.

Katawhayan—

madugay na nga ginahandum
apang sa gihapon
bala ang nagalagas.

Kamatayon, imbes sang kahilwayan.


Paglalakbay*

Maginaw na hangin ang dumadampi
sa malamig na umaga’y sinuong
ang hamog mula sa kalangitan.
Nabasa ang mga bisig na puno ng pulbura
sanhi nang kahapong engkwentro.

Muling ginising ng panaginip,
at nabuhay ang pusong may badya ng galit.
Mula sa mataas na bangi’y bumaba
kahit matarik pa ang daan,

mabato, maraming tinik;
at sa madulas na ilog ay susuong
kahit pa maraming mga buwaya
na kumukubli sa tubig
at nag-aabang ng maaaring lamunin.

Katiwasayan—

matagal nang inaasam
ngunit magpahanggang ngayon
bala ang naghahabol.

Kamatayan, sa halip na kapayapaan.

*Salin sa Filipino


Orland Agustin Solis is currently pursuing a BA in Literature at the University of the Philippines Visayas. His writing has appeared in “Nonrequired Reading in the Time of COVID-19 (Volumes 2 and 3)” from Kasingkasing Press and in “Talinghaga ng Lupa: Mga Tula” by Gantala Press.

A Paraguraan

Diri ika magtamyang1
sa katoninongan ka gab’ing mauran
ta mantang ngamin kita pigrurukay
paiyan sa kin uno man na masisirungan,
nagkukusog sira sa kaluyahan tang adi
na marupit sa uran.

Nagluluwas sira sa tinampo
mantang kita nagtatarago
sa init ka kanatong mga baluy
uda kitang kusog sa pagbagunas ka langit.
Rugaring nira a mga gab’ing arog kadi
ta tapayason kita sa ngitngit.

Talingkas sirang naririkurida
sa barisbisan2 ka kanatong katoninongan
ta palsok a kanatong mga mata.
Ngula a kanatong mga ayam
sa lumok ag imbong ka lulukwan na gumit.
Pugong a kanatong mga talinga
ta pagal na sa oroaldow na bareta sa guraanan,
tarabanan ag kalamidad.

Uda na kitang kusog sa bitnga
kading mga adi alagad mas uda kitang kusog
kin itutugot tang iba a magiwag para kanato.

A isog ka paraguraan
naggigikan sa katamyangan ta
ag sa takot tang sabaton a uran sa gab’ing mangitngit.

1. Barisbisan – outskirts, margin
2. Katamyangan – being lax, unmindful


Ang Berdugo*

Huwag kang pakakasiguro
sa katahimikan
ng gabing maulan
dahil habang lahat tayo’y
binubugaw patungo
sa kung ano mang
masisilungan, lumalakas
sila sa kahinaan nating
ito na mabasa sa ulan.

Lumalabas sila sa daan
habang tayo’y nagtatago
sa init ng ating mga bahay
wala tayong lakas sa pagbuhos
ng langit. Pag-aari nila
ang mga gabing tulad nito
dahil duwag tayo sa dilim.

Malaya silang gumagala
sa barisbisan ng ating katahimikan
dahil pikit ang ating mga mata.
Tahimik ang ating mga aso
sa lambot at ligamgam ng higaang basahan.
May pasak ang ating mga tenga
dahil hapong-hapo na
sa araw-araw na balita ng patayan,
nakawan at kalamidad.

Wala na tayong lakas sa gitna
ng mga ito ngunit mas wala tayong lakas
kung ipapahintulot nating iba ang kumilos
para sa’tin.

Ang tapang ng mamamatay
ay nagmumula sa katamyangan
at takot nating salubungin ang gabing madilim.

*Salin sa Filipino


Si Elbert O. Baeta ay ipinanganak sa lungsod ng Iriga sa probinsya ng Camarines Sur. Nagtuturo siya ng Art Appreciation at Panitikan sa Central Bicol State University of Agriculture. Nakatanggap siya ng fellowship mula sa Juliana Arejola Fajardo Writers Workshop in Bikol Writing (2012). Sa kasalukuyan tinatapus niya ang kanyang Master’s thesis hinggil sa Panitikang Rinconada sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang unang aklat ‘Gapo: Mga Rawitdawit asin piling dakitaramon sa Filipino’ ay inilathala noong 2018. Lumabas narin ang kanyang mga akda sa Ani 39 (CCP), Girok: Anthology of Bikol Erotica, Pagkamoot: Mga Binirikol na Usipon haling Europa (Ateneo de Naga Univ. Press), Liwayway, at BKL/Bikol Bakla: Anthology of Bikolnon Gay Trans Queer Writing.